DILG – walang cash aid na ibibigay sa mga areas na nasa ilalim ng granular lockdown

Binigyang diin ni Interior Undersecretary Epimaco Densing na walang financial assistance na ibibigay sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown sa oras magsimula ang pilot implementation ng gobyerno sa COVID-19 alert level system sa Metro Manila.

Ayon kay Densing, ang desisyon ay food packs lang ang ipamimigay, kung saan sa distribution process, 50% ng suplay ng food packs, na kadalasay magtatagal ng dalawang linggo para affected households, ay sasagutin ng national government para matulungan ang iba’t-ibang lokalidad.

Ang granular lockdown ay tumutukoy sa smaller-scale quarantine na ipapatupad sa mga barangay, streets, o kabahayan na tinukoy bilang “critical zones,” o high-risk para sa COVID-19 ng isang local government unit.

Sa ilalim ng naturang alert level system, ang granular lockdown ay magtatagal ng “standard” na 14 na araw.

Maliban sa food packs, magbibigay rin ang national government ng logistics at PPEs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *