Ilang oil firms, may price hike sa Sep 14, 2021

Sa ikatlong sunod na linggo muling magkakaroon ng taas-singil ang ilang kompanya ng langis sa mga produktong petrolyo, epektibo simula bukas, September 14, 2021.

Sa abiso ng kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil at Petro Gazz may dagdag presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.15 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

Magpapatupad din ng dagdag presyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Cleanfuel na magiging epektibo naman bukas alas-4:01 ng hapon.

Ang isinagawang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Mababatid na noong nakaraang linggo ay nagpatupad na rin ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *