Dimples Romana, hindi nililimitahan ang mga anak sa paggamit ng social media

Naniniwala si Dimples Romana na hindi na niya kailangan higpitan ang kaniyang mga anak na sina Callie at Alonzo pagdating sa paggamit ng social media at teknolohiya.

Inihayag ito ni Dimples sa regional media conference ng “Viral Scandal”, na isang teleserye na tumatalakay sa ilang napapanahong isyu, kabilang na ang women empowerment, cancel culture, sex education, at iba pa.

Sa katunayan ay sinabi ni Romana na tinukoy siya ni Callie bilang isang “functionally carefree person.”

Ipinaliwanag ng aktres na ito ay dahil ayaw niyang nililimitahan ang kahit na sino, maging ang kaniyang sarili.

Ipinaliwanag rin ni Romana na kapag teknolohiya na ang pinag-uusapan, ay lalaki lang ito lalo.

Pero ayon sa aktres, hindi siya nag-aalala kung ma-expose man sa mas maigting na social media o teknolohiya ang kaniyang mga anak, dahil ang mahalaga ay naituro niya sa mga ito ang mga mahahalagang Filipino values tulad ng respeto.

Ito anya ang kinagandahan ng “Viral Scandal”, dahil ipinapakita rito na kailangan natin maging maingat sa ating mga aktibidad sa social media.

Sinabi niya na ang isang masamang komento ay maari nang magdulot ng depresyon o magresulta sa pagkitil ng sariling buhay ng isang indibidwal na hindi natin kakilala.

Mababatid na ginagampanan ni Dimples sa “Viral Scandal” ang papel ni Kakay, na isang OFW na ina.

Sa unang bahagi ng storya ay ipinakita ang ilang pangyayari sa buhay ng anak ni Kakay na si Rica (Charlie Dizon), na masasangkot sa isang scandal na nag-leak sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *