Distribusyon ng mga tablets para sa SHS students sa Koronadal, sinimulan na!

KORONADAL CITY — SINIMULAN na kahapon ang distribusyon ng mga tablets sa mga senior high students sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang kinumpirma ni Jonathan Enmanuel, Executive Assistant on Internal Affairs sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Enmanuel, nasa 4,794 na mga naka-enroll na mga SHS students sa mga pampubliko na mga paaralan sa Koronadal ang makakatanggap ng mga tablets.

Inihayag ni Enmanuel, tatagal ang distribusyon hanggang Oktubre 2, 2021. Unang naka-schedule kahapon ang mga paaralan ng Concepcion at Rotonda National High School.

Nilinaw ni Enmanuel, hanggang 10 batch ang maaaring makatanggap ng mga tablets at pinasiguro ni Enmanuel na isinailalim sa screening ang mga benepisyaryo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *