DND, humirit ng dagdag na pondo para sa “re-horizoning” at “re-strategizing” ng mga proyekto sa ilalim ng AFP Modernization Program

Nilinaw ng Department of National Defense na hindi sila kumokonsulta sa mga dayuhan sa pagpaplano ng budget.

Naungkat ang isyu sa budget briefing ng DND sa House Appropriations Committee para sa susunod na taon nang usisain ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel si Secretary Gilbert Teodoro ukol sa Bilateral Security Guidelines sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Iginiit ni Manuel na tila nanghihimasok umano ang Amerika sa budget ng defense sa pamamagitan ng pagbuo ng security sector assistance roadmap.

Ngunit nilinaw ni Teodoro na humihiling lamang sila ng capability upgrade assistance sa US at walang kinalaman sa internal process ng budget.

Ire-review aniya ng Defense Department ang bilateral security guidelines bagama’t nakasaad na limang taon ang assistance ng US sa pagpapalakas ng defense capabilities ng Pilipinas at tutulong sa pagtukoy ng priority platforms.

229.9 billion pesos ang proposed budget ng DND at attached agencies sa susunod na taon na mas mataas ng 12 percent.

Idinagdag pa ni Teodoro na malaki ang kailangang gastusin sa pag-upgrade ng national defense capabilities lalo’t naghahabol na ang Pilipinas sa defense spending na ilang taon ding hindi natutukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *