Dog vaccines sa Albay, ilalaan lamang sa mga lugar na may active rabies cases – Albay Vet Office

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Veterinary Office na mayroong mga bakuna laban sa rabies para sa mga aso ang pamahalaang panlalawigan ngunit ilalaan lamang umano ito para sa mga lugar na may active cases.

Sinabi ni Dr. Pancho Mella, head ng nasabing tanggapan, sa Brigada News FM Legazpi na kapag ang isang barangay ay nagkaroon ng kaso ng rabies sa mga aso ay saka lamang sasagutin ng pamahalaan ang buong rabies requirement.

Aniya, sa ngayon ay kanya-kanyang budget at pagbili na ng mga bakuna ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan kung kaya’t nasa augmentation na lamang ang kanilang opisina.

Dagdag pa ni Mella, mayroong mga naitatalang active rabies cases sa lalawigan, ngunit tumanggi naman siyang tukuyin ang mga iyon.

Aniya, ang mga naitalang bilang ay kinakailangan pang kumpirmahin dahil kapag nagkakaroon ng active case, ang LGU ay tumatawab sa kanilang opisina at kukumpirmahin pa sa pamamagitan ng laboratory. Samantala, siniguro naman ng opisyal na hindi naman mataas ang bilang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *