DOH Bicol, nilinaw na ang EO tungkol sa boluntaryong pagsusuot ng facemask ay hindi pa hudyat na patapos na ang pandemya

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) Bicol na ang pag-isyu ni Pangulong Bongbong Marcos ng isang executive order tungkol aa boluntaryong pagsusuot ng facemask sa bansa ay hindi nangangahulugang patapos na ang pandemya sa COVID-19.

Ayon sa ahensya, nagsisimula pa lamang ang laban para rito dahil may naitatala pa ring mga kaso ng sakit, kung saan nangangahulugan itong hindi pa rin nawawala ang pandemya.

Sa EO na inilabas ay sinusuri ang result ng vaccination, mga lugar na idineklarang nasa alert level 1 at 2 upang matingnan kung maaari nang ipasok nag boluntaryong pagsususot ng facemask.

Dagdag pa ng ahensya, ito ang dahilan kung bakit lagi pa ring gumagawa ng mga hakbang ang mga opisina upang mapigilan na ang hawaan sa nasabing sakit.

Tanging ang World Health Organization (WHO) lamang umano ang may karapatang magsabi at magdeklara kung wala nang pandemya sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *