DOH: COVID-19 active tally nasa 19,176 pa

Nagtala ang Pilipinas ng 1,858 na mga bagong kaso ng COVID-19, sa kabila na bumaba na ang positivity rate noong nakaraang linggo.

Ang naturang mga karagdagang kaso, ay nag-udyok para maitala ang kabuoang active cases sa 19,176.

Sa ngayon, ang kabuoang case load sa bansa ay sumampa pa sa 4,018,253.

Samantala, 3,934,690 na ang mga kabuoang nakarekober mula sa naturang sakit, habang ang death toll ay 64,387 na.

Mababatid na ang positivity rate mula November 6 hanggang 12 ay naitala sa 10.4%, na mababa kumpara sa 11.3% na nakita sa naunang linggo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *