DOH, kinumpirma ang unang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas

Na-detect na sa Pilipinas ang unang kaso ng Lambda variant na unang nakita sa Peru.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang unang Lambda variant case sa bansa ay isang 35-anyos na babaeng inaalam pa kung local o returning oversaeas Filipino case. 

Asymptomatic umano ang pasyente at tagged as recovered matapos sumailalim sa 10 araw na isolation period. 

Sinabi ng DOH na nagsasagawa sila ngayon ng back tracking at case investigation. 

Mababatid na ang Lambda variant ay unang itinuring na variant of interest ng World Health Organization (WHO) noong June 14. 

Samantala. nakapagtala rin ang DOH ng 182 bagong kaso ng Delta variant, dahilan para tumaas na ang kaso sa 807.

Dagdag ng kagawaran, 112 ng latest Delta cases ay local, 36 ang returning overseas Filipinos, at 34 ang sumasailalim pa sa verification. 

Isa umano ang active case, 176 ang naka-rekober na, at apat ang nasawi, habang ang status ng isang pasyente ay vine-verify pa. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *