COA, magsasagawa ng briefing sa mga kongresista re: P67.3-B COVID-19 fund deficiences ng DOH

Nakatakdang ipaliwanag ng Commission on Audit (COA) sa mga miyembro ng House of Representatives ang tungkol sa nakita nilang P67.3 bilyong halaga ng deficiencies sa paghawak ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 response fund.

Humiling si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa COA ng briefing na iho-host  ng Committee on Public Accounts, na pinangungunahan ni Representative Jose Singson Jr. ngayong linggo. 

Sa isang statement, sinabi ng House speaker na nais nilang malaman ang mga detalye direkta mula sa COA at concerned ang mga mambabatas dahil ang pondong pinag-uusapan ay kasama sa inilaan sa ilalim ng Bayanihan laws na ipinasa ng kongreso noong nakaraang taon. 

Aniya, isinusulong ng Kongreso ang matalino at mahusay na paggamit ng COVID-19 fund. 

Ibinunyag din ng Speaker na iimbitahan ang mga DOH officials na dumalo sa briefing para bigyang linaw ang deficiency. 

Dagdag pa ng kongresista, makikinig ang mababang kapulungan sa paliwanag ng DOH bago sila maglabas ng kahit anong conclusion. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *