DOH – nakapagtala ng 26% na pagbaba ng mga COVID-19 cases sa bansa

Naitala ng Department of Health (DOH) ang halos 1,600 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula January 23 hanggang 29 ng kasalukuyang taon.

Nabanggit na ang mga kasong ito ay nagpakita ng 26 na porsiyentong pagbaba, na may average daily count na 225 cases kumpara sa nakaraang linggo mula January 16 hanggang 22.

Batay sa pinakahuling data, 30 sa mga bagong naiulat na kaso ay malubha at kritikal.

Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 13 karagdagang pagkamatay na may kaugnayan sa COVID-19 na naganap sa pagitan ng January 16 hanggang 29.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na ang pagsasagawa ng iba’t ibang layer ng proteksyon ay maaaring limitahan ang transmission sa mga vulnerable group at overcrowded areas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *