DOH, pinangangambahang sumipa sa higit 5,000 ang daily cases ng COVID-19 sa Hulyo

Pinangangambahan ngayong sumipa pa sa higit limanglibo ang maitatalang daily COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa Viber message, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung pagbabasehan ang FASSTER, o ‘yung Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler For Early Detection of Diseases, maaaring umakyat mula 3,800 hanggang 5,300 ang daily cases sa kalagitnaan ng Hulyo.

Ito umano ay kung magpapatuloy pa ang pagtaas sa mobility ng mga Pilipino; pagbaba ng hanggang 22% sa pagsunod sa minimum public health standards; at magpatuloy pa ang mababang booster uptake.

Bago ito, una nang nilinaw ni Vergeire na hanggang sa ngayon ay wala pa ring naitatalang significant increase sa mga severe at critical cases sa bansa.

Nananatili pa rin naman sa less tan 20% ang healthcare utilization rate.

Matatandaang sa latest bulleting ng DoH, umabot sa 4,643 ang kabuoang bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa Pilipinas mula June 20 hanggang 26.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *