DOH region 2, tiniyak na magpapatuloy ang pagbabakuna sakaling hindi makamit ang target population na mabakunahan

Tiniyak ng Department of Health Region 2 na magpapatuloy ang vaccination roll-out sa rehiyon sakaling hindi makamit ang target na mahigit 500,000 individual na mabakunahan sa 3-day Bayanihan Bakunahan na sinimulan na ngayong araw hanggang December 01,2021.

Inihayag ni DOH Regional Director Dr Rio Magpantay na sakaling hindi kayaning mabakunahan ang higit 500,000 individuals sa Region 2 ay mayroon pa rin umanong panagalawang national vaccination na gaganapin sa December 15-17, 2021.

Aniya, mayroong tinatawag na sustainability period o ang magpapatuloy na pagbabakuna dahil marami naman umanong volunteers na tiyak na tataas ang bilang ng mga nababakunahan kada-araw.

Dagdag pp anito, maliit na populasyon na lamang ang kinakailangan upang makamit ang 70% target population para sa herd immunity sa rehiyon na hanggang November 30, 2021.

Sa ngayon ay nasa mahigit 400 vaccination teams na umano ang naka-depoly sa bawat vaccination sites sa rehiyo para sa tatlong araw na malawakang pagbabakuna.

Bukod dito, ay nakatulong rin umano ang LTFRB Region 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng bus bilang transportasyon ng mga volunteers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *