Mahigit 150 drivers natanggap na ang kanilang 10-year validity driver’s license

SORSOGON CITY – Umabot na sa 156 na drivers sa lalawigan ng Sorsogon ang nakatanggap ng kani-kanilang driver’s license na may 10-year validity, ayon ito sa tala ng Land Transportation Office-Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng pinuno ng ahensya na si Grace Rojas, sinabi nito na umabot sa 200 aplikante ang kanilang natanggap subalit 22 umano dito ang nakapagtala ng mga bayolasyon kung kaya’t nakatanggap lamang ang mga ito ng 5-year validity license.

Ang pag-isyu ng 10-year validity license ay alinsunod sa Republic Act 10930 o ang Law on the Rationalization and Strengthening of the Issuance of Drivers’ License.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *