DOJ: Lahat ng mga ebidensyang sa Percy Lapid slay, si Bantag ang itinuturo

Binigyang diin ng Department of Justice (DOJ) na ang lahat ng mga ebidensya na nakolekta kaugnay sa pagpatay kay Percy Lapid ay nagtuturo kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at iba pang respondents, at hindi sa drug syndicates.

Bilang tugon naman sa komento ni Bantag sa television interview na pagturo nito sa drug lord sa pagpatay kay Lapid, sinabi ng DOJ na ang mga salita at aksyon ng dating BuCor chief ay mula sa “misguided sense of betrayal.”

Ayon kay Justice spokesperson Jose Dominic Clavano, na batay sa sinabi ni Secretary Jesus Crispin Remulla, umaasa silang matutukoy ang drug syndicates bilang mga perpetrators, pero hindi umano magandang balita na sa lahat ng mga ebidensya, itinuturo ang mga respondents.

Giit ng ahensya, walang ibang motibo sa imbestigasyon ng mga otoridad kundi, malaman lang ang katotohanan.

Sa huli, binigyang diin ng ahensya na mayroong proper forum para sa suspended official na ihayag ng kanyang panig, kung saan sa pamamagitan nito, matutukoy ang kaniyang pagiging guilty o inosente. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *