Go – John Amores dapat ding bugbugin

Pinuna ni Sen. Bong Go ang student athlete na si John Amores, matapos nitong sugurin ang suntukin ang ilang katunggaling  basketball players ng St. Benilde sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball tournament.

Sa Senate plenary session, nagpahayag ng pagkadismaya si Senate Majority Leader Joel Villanueva kaugnay sa naturang insidente, at tinanong si Go kung anu ang mangyayari matapos ang naturang insidente.

Tugon ni Go, dapat mabugbog din umano si Jose Rizal University’s (JRU) Amores.

Giit ng Senate committee on sports chairperson at budget sponsor ng Philippine Sports Commission (PSC), na walang lugar sa basketball ang court violence.

Bilang sports panel chairperson, binigyang diin ng senador na isinusulong nila ang sportsmanship.

Sa ngayon, indefinitely suspended na ng NCAA si Amores, at nagpagdesisyunan din ng JRU na hindi ito maglaro sa buong season. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *