Seoul, itinanggi ang ulat na arms deal sa US para sa Ukrainian forces

Itinanggi ng South Korea ang mga ulat na nagbebenta sila ng artillery shells para sa pag-gamit ng Ukrainian forces, at sinabing sakaling mang ma-finalize ang nagpapatuloy na negosasyon, ito ay para lang sa US forces.

Nabatid na may papalapit na agreement ang US para sa pagbili ng nasa 100,000 rounds ng 155 mm artillery mula sa Seoul.

Sa ulat ng The Wall Street Journal, na batay umano sa ilang US official na pamilyar sa naturang kasunduan, ang mga bibilhing artillery ay idedeliver umano sa Ukraine.

Ang Washington ay ang mahalagang security ally ng Seoul, at sa katunayan ay naglagay ito ng 27,000 US troops sa South upang magbigay ng proteksyon mula sa nuclear-armed ng North.

Ayon sa Seoul’s defense ministry, na ang polisiya ng South Korea na hindi pagbibigay ng lethal weapons sa Ukraine, ay nananatili hanggang ngayon, bagama’t nagbigay ito ng non-lethal aid at tulong sa naturang bansa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *