Donny Pangilinan, sinubukang ligawan si Kathryn Bernardo, ayon kay Ogie Diaz

Niligawan umano ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo, ayon sa isang insider ni Ogie Diaz.

Nangyari daw ito pagkatapos ng breakup ni Kathryn sa aktor na si Daniel Padilla.

Maalalang nag-viral na ang dalawa kamakailan nang alukin ni Donny si Kathryn ng soft drinks at parang pinopormahan niya ito sa wedding party ni Robi Domingo.

Noong panahong iyon, pinabulaanan ito ni Donny at sinabing magkaibigan lang sila.

Ngunit ayon kay Mama Ogs, may naganap talagang ligawan ngunit naudlot lang dahil sa hindi pa nalalamang rason.

Maalalang si Ogie din ang nag kompirma ng balitang nililigawan din si Kathryn ng mga aktor na sina Alden Richards at Jericho Rosales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *