Ilang residente sa Indonesia, inilakas dahil sa pagputok ng bulkang Ruang

Mahigit 800 katao ang inilikas mula sa paligid ng bulkang Ruang sa Indonesia matapos itong pumutok at magbuga ng lava, bato at abo.

Itinaas na ng mga opisyal sa pinakamataas na alerto ang sitwasyon, kaya’t agad ring inilikas ang mga inidbidwal, at ipinasara rin pansamantala ang isang provincial aiport.

Nakatanggap din ang mga awtoridad ng mga ulat na may ilang mga tahanan ang nasira dahil sa mga ibinubuga nitong bato at abo, na siya ring nag-udyok sa isang ospital na i-evacuate muna ang kanilang operasyon sa ibang lugar.

Namataan naman ang mga purple flashes na kidlat sa taas ng bulkan, na ikinatakot ng mga residente ng North Sulawesi province.

###

Photo: Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation, Mount Ruang, Indonesia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *