DOTR Sec. Tugade nangakong babalik sa Albay para sa pagbubukas ng Bicol International Airport

LEGAZPI CITY – Tinupad ni Sec Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) ang kanyang ipinangako na babalik muli sa lalawigan ng Albay bago magtapos sa buwan ng Hulyo taong 2021 para matiyak na handa na ang Bicol International Airport sa kanyang pagbubukas sa buwan ng Oktobre.

Kasama sa dumating sa nasabing paliparan sina Undersecretary for Finance Undersecretary Guovanni Lopez – Assistant Secretary for Aviation and Airports Jim Melo – Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran – CAAP Director General Jim Sydiongco – MIAA General Manager Ed Monreal – CAAP Deputy Director General Don Mendoza – CAAP Regional Manager Cynthia Tumanot.

Dumating din sina Gov Al francis Bicharq, Cong. Joey Sarte Salceda, Alkalde Noel Rosal ng Legazpi, AKB Partylist Cong Alfredo Garbin at Mayor Victor Perete ng Daraga.

Ayon kay Sec Tugade, isa ito sa ipinangako sa mga Albayano na babalik tapos or hindi ang runway ng International Airport.

Aniya, ang kanyang pagbabalik ay magsisilbing hamon at pampatibay-loob para sa gateway builders na panatilihin ang bilis nito.

Dagdag pa nito, magsasagawa rin ng pag-iinspeksyon sa mga pasilidad ng nasabing paliparan.

Tiniyak rin ng DOTr na ang BIA, na tinaguriang “pinakamagandang gateway ng bansa” kasama ang iconic na Bulkang Mayon para sa backdrop nito, ay gagamitin bago matapos ang taong ito.

Binigyan diin nito oras na makompleto ang ang gateway ay inaasahang magkakaroon ng bost air traffic sa rehiyon at tatanggap ng isang kabuuang 2 milyong mga pasahero taun-taon.

Ang konstruksyon ng BIA ay umaabot na sa P4.798 bilyong piso ang halaga ng pondo kung saan sertipikadong priyoridad ng administrasyong Duterte sa ilalim ng programang “Build Build Build”.

Ayon pa sa ooisyal, ang konstruksyon ng proyekto ay nakapag-empleyo din ng 755 na manggagawa sa kabila ng pandemikong COVID-19, na may 1,100 indirect ang naghihintay na trabaho sa oras na mag-operate na ang paliparan.

Sa ngayon ay nasa 89% ang kabuuhang konstruksyon ng BIA kung saan ay ito au bumubuo sa Package 2A at Package 2B ng proyekto. Ang Package 2A ay mayroon nang 96% at inaasahang makukumpleto sa 30 Agosto 2021. Kasama sa ilalim ng Package 2A ay ang pagtatayo ng air traffic control tower ng paliparan, administration building, crash fire rescue building at cargo terminal building at iba pa.

Samantala, ang Package 2B, ay nasa 86% completed at inaasahang makumpleto sa katapusan ng Agosto 2021. Kasama sa ilalim ng Package 2B ay ang pagtatayo ng gusali ng terminal ng pasahero ng BIA (PTB) na ngayon ay 90.5% completed, habang ang runway ng paliparan ay mayroon ng 75% tapos na at inaasahan ding makumpleto sa 31 Agosto 2021.

Inaasahan din na ang BIA ay magiging teknically operational na sa darating na Oktubre 7, 2021, at night rate ng gabi sa 4 Nobyembre 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *