Driver ng truck na nakapatay sa driver ng tricycle, nakaiwas sa asunto; pamilya ng biktima nakipag-areglo

SORSOGON CITY – Hindi na magsasampa pa ng kaso ang pamilya ng nasawing tricycle driver sa driver ng truck makaraang makipag-areglo ang mga ito.

Kung babalikan, nangyari ang banggaan ng truck at tricycle noong araw ng Biyernes Setyembre 6 sa Diverson Road Barangay San Juan Roro lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon sa invistigation team, sinabi nito na nagkaareglo na ang dalawang panig at hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima.

Kabilang sa napagkasunduan ay ang pagsagot ng may-ari ng truck sa gastusin sa ospital at pampalibing sa biktima.

Matatandaan na nasalpok ng truck na minamaneho ni Dominador Salazar Esperida, 26-anyos at residente ng Barangay Buhatan  ang tricycle matapos na mawalan ito ng kontrol na nagresulta naman sa pagkasawi ng driver nito na nakilalang si Dandy Ylanan Membrido, 42-anyos, residente ng Barangay Macabog Sorsogon City at pagkasugat ng dalawang babaeng pasahero nito na nakilalang sina Mirriam Albaytar Barros, 24-anyos at Ashley Brisbane Deuna Jao, 21-anyos pawing mga residente din ng nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *