DSWD nagsagawa ng pay out para sa mga benepisyaryo ng AICS program sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng pay out ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS) nitong Miyekules sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Matiyagang pumila ang mga benepisyaryo sa Jimmy P Lo Sports Complex para makakuha ng tulong mula sa gobyerno na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Ang  AICS ay isa lamang sa mga social welfare services na ibinabahagi ng DSWD.

Layunin nito na tulungan ang mga mahihirap na sumasailalim sa krisis upang matugunan sa kanilang mga  pangangailangan.

Kabilang dito ang tulong medikal, pampalibing, transportasyon, cash assistance, educational  assistance at iba pang serbisyo.

Nagkakaroon ng assessment sa mga beneficiaries ang mga social worker ng ahensiya bago ipamahagi ang tulong.

Nag- deploy naman ng tauhan ang PNP upang tiyaking nasusunod ang health protocols sa venue ng pay out.

Ayon sa ahensiya ang pagpoproseso ng mga hiling na tulong sa ilalim ng AICS ay iniaayon na rin sa new normal kung saan ang screening at verification, assessment at pag tanggap ng tulong ay maaari na ring gawin sa pamamagitan ng electronic platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *