DTI, pinayagan na magtaas presyo ang 70 produkto na pangunahing bilihin

Pinayagan ng Department of Trade and Industry ang nasa 76 na produkto na pangunahing bilihin na magpatupad ng taas-presyo.

Ilan sa mga ito ay ang ilang brand ng karneng de-lata, sardinas, kape, instant noodles, gatas at tinapay.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nasa P1.50 ang pinayagang taas sa ilang brand ng sardinas sa halip ng hirit nila na P3, bagay na inalmahan ng mga producer nito.

Ayon sa Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP), hindi ito katanggap-tanggap dahil mas mababa na ang SRP kaysa production cost nila, bagay na ikalulugi ng canners.

Kaugnay nito, nasa P2 ang aprubadong dagdag-presyo sa Pinoy tasty, kalahati sa hirit ng manufacturers na P4, habang P1.50 naman sa Pinoy pandesal, habang  1 hanggang 15 porsiyento ang inaprubahang increase sa food items habang mas malaki ang dagdag-presyo sa mga non-food item.

Mababatid na noong Agusto pa noong nakaraang taon nang huling naglabas ng suggested retail price (SRP) ang DTI dahil masusi anilang pinag-aralan ang mga petisyon na taas-presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *