Mga opisina at eskwelahan sa Camarines Norte nasa normal operation sa kabila ng 4.6 magnitude na lindol

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of Education na nasa normal operation ang mga opisina at pampublikong eskwelahan sa kabila ng nangyaring pagyanig noong Martes ng gabi.

Batay ito sa situational report ng Schools Division Office ng Camarines Norte Miyerkules ng hapon.

Sa pangkalahatang sitwasyon ay hindi naman umano naapektuhan ang komunikasyon pati na ang suplay ng kuryente at tubig.

Wala namang nasaktan o na- displace na estudyante at personnel at wala ring naiulat na problema sa accessibility ng mga eskwelahan.

Ipinalaganap din  ni Schools Division Supirentendent Nympha Guemo ang safety measures para sa mga posibleng aftershocks sa isinagagawa ngayong In-Service Training (INSET) ng mga guro.

Nagpapatuloy din ang damage assessment at reporting na ginagawa ng mga School DRRM teams.

Piayuhan din ang lahat ng school DRRM Coordinators na makipag ugnayan sa kani- kanilang MDRRMO sakaling magkaroon ng untoward incident.

Walang pasok ngayong buong linggo sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa bansa dahil sa midyear break.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *