Duterte, nilagdaan na ang kautusan na magbibigay ng P20,000 na tulong para sa mga pensioners

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order na magbibigay ng one-time P20,000 financial aid sa mga pensioners ng Employees’ Compensation (EC) program.

Kaugnay nito, nasa 31,000 na mga pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang makakabenepisyo mula sa financial assistance sa ilalim ng Administrative Order 39.

Nakasaad sa kautusan na inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission ang panukalang pagbibigay ng one-time financial assistance, batay sa obserbasyon na nakakaranas ang mga pensioners ng undue financial hardships dahil sa kanilang vulnerabilities, at sa anticipation ng mahabang economic impact ng pandemya sa kanilang mga buhay.

Ang Employees’ Compensation Program ay binuo para magbigay ng compensation package sa public at private workers at sa kanilang dependents para sa work-related sickness, injury, o death. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *