Duterte, titimbangin pa magiging desisyon para sa posibleng VP race -Palasyo

Titimbangin pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang kanyang options, matapos na pormal na himukin ito ng kanyang political party na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ng punong ehekutibo na nakapagsilbi na naman umano siya sa bayan.

Noong Lunes, nang aprubahan ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang resolusyon na naghihikayat kay Duterte na makiisa sa susunod na taong vice presidential race.

Maliban dito, binigyan rin ang pangulo ng option para pumili ng kanyang magiging running mate.

Una nang sinabi ni Roque na ipinapaubaya ni Duterte sa Panginoon ang kanyang magiging desisyon para tumakbo sa pangalawanag pinakamataas sa pwesto sa gobyerno. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *