Govt, tatapusin ang AstraZeneca vaccination sa susunod na linggo

Tatapusin ng gobyerno ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca vaccines sa susunod na linggo, bago ito mag-expire sa June 30.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, 85% ng 1.5 million AstraZeneca doses ang naiturok na as of June 1.

Giit ni Dizon, ito ay patunay na makakapagbakuna sila ng maraming tao nang mabilis.

Mababatid na ang mahigit 500,000 doses naman na mag-eexpire sa Hulyo ay gagamitin bilang second dose.

Sa ngayon, ang mga healthcare workers, senior citizens, at adults na may comorbidities ang binabakunahan na ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *