Ed Sheeran, kumanta ng OPM song kasama ang Ben & Ben

Ikinagulat ng bandang Ben&Ben ang surpresa sa kanila ng US pop star na si Ed Sheeran.

Magpe-perform lang sana kasi ang banda bilang special guest ngunit laking gulat nila nang sumama si Ed sa kanila sa performance at kinanta pa ang kanta nilang ‘Maybe The Night.”

Hindi rin akalain ng audience na sasabayan ng Grammy award-winning artist ang sikat na Filipino indie folk-pop band sa pagkanta ng isang Original Pilipino Music (OPM) song.

Ginanap ang concert sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City noong Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *