Eksperto, sang-ayun na matapos na ang global health emergency sa COVID sa 2023

Sang-ayon ang infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na posibleng matapos na ang global health emergency sa covid-19 sa susunod na taon.

Ayon kay Dr. Salvaña, ‘very optimistic’ sila na ito ang mangyayari lalo pa aniya’t mas resilient na sa ngayon ang healthcare system hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Aniya, nananatiling mababa ang mga kaso ng covid-19, mababa rin ang healthcare utilization at ang pinakamahalaga aniya sa lahat ay marami na ang nabakunahan laban sa virus.

Bukod dito, isang magandang indikasyon din daw ay ang mga bagong developments kagaya ng pagkakaroon ng bivalent booster na sinasabing mas epektibo laban sa mga bagong variant ng covid-19.

Sa tingin ni Salvaña, sa unang kwarter pa lamang ng 2023 ay posibleng sabihin na ng WHO na tapos na ang global health emergency sa covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *