7,572 na bagong kaso ng COVID-19 nitong nagdaang linggo sa PH

Nakapagtala ng 7,572 new COVID-19 cases ang Pilipinas nitong nagdaang linggo.

Mula December 5 hanggang December 11, 1,082 ang avarage daily infections na naitatala sa bansa.

9% na mas mababa ito kumpara sa sinundan nitong linggo.

Sa mga bagong kaso, 7 o 0.09% ang severe at critical, ayon sa pinakabagong ulat mula Department of Health (DOH) .

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 186 at higit pa na COVID-related fatalities.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 17,900 active COVID-19 cases ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *