Eleazar nagbabala sa mga kandidatong tumatanggap ng pondo mula sa sindikato

Binalaan ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga kandidato na huwag tumanggap ng campaign funds mula sa mga grupo na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Kabilang na dito ang mula sa mga sindikato na pasimuno ng illegal drug trade, illegal gambling, illegal logging at iba pa.

Kasabay nito inatasan ni Eleazar ang lahat ng ground commander ng pulisya na paigtingin ang monitoring at intelligence gathering laban sa mga kandidatong tumatanggap ng pera mula sa naturang mga grupo.

Sinabi ni Eleazar na posibleng tumaas ang mga iligal na aktibidad ngayong nalalapit ang halalan dahil maaring gawing fund raising ito upang pondohan ang mga tiwaling pulitiko.

Umapela naman ang PNP chief sa publiko na tumulong upang masawata ang ganitong klaseng kalakaran dahil malaking bagay umano ang partisipasyon ng taumbayan para magkaroon ng positibong pagbabago sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *