Empleyadong na ‘burnout’ sakanyang trabaho, sinunog ang gusali  na kanyang pinagta-trabahuhan

Japan—Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, iba ang nagagawa ngstress sa katawan ng isang tao. Ito ay nakakaapekto sa emosyonal at mental na kalagayan ng isang indibidwal na kung mapapabayaan ay maaring mag resulta sa mas malalang karamdaman.

Sa bansang Japan, isang 32-anyos na empleyado ng isang kompanya, ang inaresto ng mga otoridad at nahaharap ngayon sa kasong ‘arson’ matapos nitong sunugin ang establiyemento na kanyang pinag ta-trabahuhan.

Sa panayam, inihayag ng suspek na si Tatsuya Matsuzawa na matapos ang mahigit isang taong pagta-trabaho niya sa Ken Depot Soka Sezaki retail warehouse, ay napagpasyahan niya nang mag resign dahil sa labis na stress at pagka burnout sakanyang trabaho.

Makaraan ang isang linggo matapos niyang mag resign, saka nito ginawa ang krimen na pagsunog sakanyang pinapasukang kompanya.

Ayon sa report ng mga otoridad, nahirapan silang apulahin ang apoy sa gusali sapagkat gumamit ng mga kahoy at combustible materials ang suspek gaya ng pintura at sprays nang sunogin nito ang gusali.

Batay sa mga Japanese activists, aabot umano sa 10,000 mga empleyado sa Japan ang namamatay bawat taon dahil sa overwork bunsod ng stressful work hours culture sa naturang bansa.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.