PNP, ‘all-set’ na sa Marcos inauguration

98% nang handa ang Philippine National Police para sa ipatutupad nito na security measures para sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa National Museum sa Hunyo a-trenta.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao, handang-handa na ang pitong-libong pulis na itatalaga sa palibot ng inauguration event para masigurong walang makapanggugulo at walang mga maitatalang untoward incidents.

Sa ngayon aniya, hinihintay na lamang ang mga istrukturang itatayo ng DPWH para sa oath-taking event.

Iminungkahi naman ni Danao sa inaugural commitee na magkaroon ng iilang pagbabago sa seating arrangement para sa mga VIPs na dadalo sa panunumpa.

Ayon sa hepe, pinatatabi nila sa security contingent ang 1,200 VIPs para masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Umapela naman si Danao sa mga magki-kilos protesta na sana raw ay ‘wag na itong idaos pa malapit sa panunumpa para maiwasan na ang kaguluhan.

Muli namang ipinaalala ng PNP na ang papayagan lamang sa inauguration ay ang mga transparent na bags at transparent water containers.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *