EU human rights panel, bibisita sa Pilipinas ngayong linggo

Bibisita sa Pilipinas ngayong linggo ang mga miyembro ng ng European Parliament Subcommittee on Human Rights.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na tinanggap ng gobyerno ng Pilipinas ang kahilingan ng EP na bumisita sa bansa mula February 22 hanggang February 24.

Sa kanilang pananatili sa Pilipinas, 6 na miyembro ng EP subcommittee ang makikipagpulong sa kanilang counterparts sa Senado at House of Representatives upang makipagpalitan ng best practices at legislations.

Nakatakda rin magkaroon ng audiences ang subcommittee kasama sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Ang pagbisita ng EP ay alinsunod din sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Belgium noong Disyembre para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *