Senate panel, sisimulan na probe sa human smuggling sa NAIA gamit ang private plane

Sisimulan na bukas ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito sa umano’y human smuggling gamit ang private plane sa Ninoy Aquino International Airport.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa privileged speech ni Senator Grace Poe tungkol sa ginawang pagpupuslit umano ng mga dayuhan sa NAIA palabas ng bansa noong February 13.

Nakatanggap ng anonymous tip ang Philippine National Police Aviation Security Group na may nagaganap na human trafficking na kinasasangkutan ng isang sasakyang panghimpapawid na may tail number N9527E na nakatakdang umalis bandang alas-10 ng gabi noong February 13 sa NAIA papuntang Dubai.

Matapos makumpirma ang nasabing scheduled flight, napansin na anim na pasahero lamang ang naideklarang sakay ng flight, ngunit may kabuuang 14 na pasahero ang aktwal na sumakay sa aircraft.

Ayon sa mambabatas, kailangang humarap sa pagdinig ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Bureau of Immigration (BI) para ipaliwanag ang panibagong issue na ito .

Nagbabala rin ito na maaring nalulusutan ang NAIA ng mga iligal na gawain at mga kontrabando lalo’t walang report tungkol dito ang Customs.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *