‘Fabian’ isa nang ganap na bagyo

Nabuo na bilang ganap na bagyo ang Severe Tropical Storm Fabian.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng Fabian sa 895 kilometers (km) east-northeast ng extreme Northern Luzon, dala ang lakas na hangin na 120 km per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 150 kph.

Kumikilos naman ito pa-west-northwestward sa bilis na 15 kph.

Binigyang diin ng state weather service na magdadala si Fabian ng malakas na hangin na tataas sa 600 km mula sa sentro.

Hndi naman inaasahan na magdudulot ang naturang bagyo ng malakas na ulan sa bansa.

Ayon sa Pagasa, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Fabian sa Biyernes.

Maliban sa Fabian, isa na namang typhoon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name Cempaka ang namataan sa 985 kilometers west ng extreme Northern Luzon, na papaigtingin ng southwest monsoon.

Dahil sa mga bagyong ito, asahan pa rin na makakaimpluwensiya ito sa habagat, na siya namang maghahatid ng mga pagulan, generally sa buong Luzon, lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *