Field offices para sa darating na Civil service exam, nakahanda na – CSC Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na handang-handa na ang mga field offices para sa isasagawang examinasyon sa bawat lalawigan sa darating October 23 sa Bicol Region.

Ayon kay Atty. Daisy Punzalan Bragais, ang Regional Director ng nasabing tanggapan, dapat malaman na agad ng mga examinees ang kanilang room assignment upang hindi na maligaw.

Bago pumunta sa paaralan, kailangan na i-check ang kanilang school assignments sa pamamagitan ng paggamit ng Online Notice of School Assignment (ONSA) na mahahanap sa website ng CSC.

Aniya, marami na ngayon ang nagnanais o gustong mag-exam sa Civil Sevice dahil ito umano ang pinakaligtas, at kung sa gobyerno naman nanaising makapasok, kinakailangang mayroong eligibility.

Inaabisuhan pa rin ng CSC ang mga examinees na mayroon pa ring health protocols na ipinatutupad sa kung saan kinakailangan pa rin ang social distancing, pagsusuot ng facemasks, at pagdala ng hand sanitizer o alcohol dahil may mga lumalabas pa ring variant ng COVID-19.

Kailangan pa rin umanong magdala ng vaccination card o magpakita ng negative antigen result.

Tatlong examinasyon lamang ang nakatakda at ito ang Fire Officer Examination (FOE), Penology Officer Examination (POE) at Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE).

Samantala, ayon pa kay Bragais, may mga kinanselang examination nitong March 15, 2020 na kung saan ay binigyan muli itong ng pagkakataong mag-exam sa susunod na taon ngunit kinakailangang magrehirestro muli ang mga ito kahit nasa listahan na ang kanilang mga pangalan.

Dahil dito, kinakailangan pa rin ng panibagong aplikasyon sa mga nakansela nitong mga nagdaang taon at inaasahan ding maglalabas ang komisyon ng anunsyo sa darating na Nobyembre para sa pagpoproseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *