FLAG hiniling sa ICC na ituloy ang drug war probe sa Duterte admin

Isa pang grupo ng mga abogado sa bansa ang humiling sa International Criminal Court na bawiin ang suspensiyon nito sa imbestigasyon sa drug war ng Duterte administration.

Sa liham ng Free Legal Assistance Group (FLAG) para kay ICC prosecutor Karim Khan, ang kabiguan ng mga Alagad ng batas sa Pilipinas para panagutin ang may sala ang rason kaya nais nitong ituloy ang ‘crimes against humanity’ probe.

Binigyan diin din ng grupo na ang ginawang review ng Department of Justice’s sa 52 drug war killings ay katiting lamang sa umano’y nasa 12,000 hangang 30,000 na patayan na iniuugnay sa drug-war.

Iginiit din nito na karamihan sa mga kaso ay nagresulta lamang sa suspension ng mga pulis na sangkot, mayroon pang pinagsabihan lang, habang isa lamang ang nai-ulat na natanggal sa trabaho.

Dahil dito naniniwala ang FLAG na kailangan ng karagdagang imbestigasyon sa mga kaso at magkaroon ng case build up laban sa mga otoridad na umabuso sa kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *