‘One college graduate per family’ patuloy na isusulong ni Sen. Go

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na ipagpapatuloy niya ang mga programang sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte katulad ng pagbibigay oportunidad sa mga mahihirap na estudyante na makapag-aral.

Ayon kay Go nais niyang makita na bawat pamilyang Pilipino ay mayroong kahit isa man lang na nakatapos sa kolehiyo.

Paliwanag ng presidential aspirant ang edukasyon ang tanging puhunan natin sa mundong ito.

Kaya dapat umanong siguraduhin na makakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak upang magkaroon ng mas maginhawang kinabukasan.

Binigyan diin naman ni Go na sa administrasyon ni Pangulong Duterte, sinikap nitong mabigyan ng libreng edukasyon ang lahat kaya naman sisiguraduhin niya na magtutuloy-tuloy ito.

“Ang Free Higher Education ng Duterte Administration ay tunay na libre. Walang hinihingi na grade requirement, walang number of units na kailangan ipasa kada semester. Ang hinihingi lang po namin ay seryosohin ninyo ang inyong pag-aaral para agad kayo makatapos at matulungan ang inyong pamilya at bayan,” paliwanag ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *