Gadon, pina-disbar ng SC!

Sa botong 15-0, unanimous na pina-disbar ng Korte Suprema si Larry Gadon bilang isang abugado.

Ito ay matapos ang viral video noon ni Gadon kung saan ay pinagmumura niya ang journalist na si Raissa Robles.

Idiniin sa isang press release ng Supreme Court na si Gadon ay ‘misogynist, sexist, abusive, at gumagamit ng repetitive intemperate language’.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang mga iskandalosong aksyon ni Gadon ay nagdi-discredit sa legal profession.

Bago ito, una nang sinabi ni Gadon na binabalak niyang maghain ng motion for reconsideration para sa unang napabalitang disbarment laban sa kaniya.

Kung maaalala, kamakalawa nang i-assign si Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *