“Go Duterte Go’’ movement caravan, isinagawa sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Simula nang ipinalutang ni Pang. Rodrigo Duterte ang posibilidad na maging vice-presidential candidate sa 2022 elections para mapanatili umano ang ‘’equilibrium,’’ maraming nabigla, subalit maraming sumuporta, at isa na dito ang grupo at koalisyon ng partylist na People’s Movement for Continuity (PMC).

Tinatayang nasa 100 katao ang nakiisa sa caravan ng nasabing grupo na tinawag na ‘’Go Duterte Go’’ movement caravan na nagsimula umaga, Hulyo 10 sa bayan ng Bulan.

Bagama’t hindi pinayagan sa lungsod ang grupo na magmartsa sa kalsada sa kahabaan ng sentro dahil magdudulot ito ng trapiko, natuloy pa rin ang kanilang caravan.

Ayon sa Regional Chairman ng Partido Pederal ng Maharlika (PPM) na si Atty Redentor Guyala, ang itinutulak nila ay ang tandem na Go-Duterte, subalit aniya, kung magdesisyon si Davao City mayor Sara Duterte na tumakbo bilang presidente ay wala silang magagawa kundi suportahan ang tandem ng mag-ama.




Si Atty Guyala (pangatlo sa kaliwa) ang Reg’l Chairman ng Partido Pederal ng Maharlika (PPM) na isa sa political party na nakipagkoalisyon sa PMC
 

Matatandaan kasi na nagbigay din ng pahayagn si Davao City Mayor Duterte na ‘bukas’ siya sa pagtakbo sa pagka-pangulo, subalit sinabi nito na mahalaga pa rin na malaman ang sentimiyento ng mga tao.

Nabatid kasi na maraming grupo ang umuudyok sa alkalde na tumakbo sa pagka-pangulo habang runningmate naman ang kanyang ama na si Pang. Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *