Go, irerekomenda ang pagbibigay parangal sa PGH medical personnel bilang pagkilala sa kanilang exemplary service, matapos ang sunog

Hinangaan ni Sen. Bong Go ang medical team at personnel ng Philippine General Hospital na patuloy na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa kanilang mga pasyente sa kabila ng sunog na nangyari sa kanilang pasilidad at sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic

Dagdag ng chairman ng Senate Committee on Health, sinasaluduhan rin umano niya ang kabayanihan ng mga personnel ng PGH, lalo na ang mga inilagay sa panganib ang buhay para lang mailigtas ang kanilang mga pasyente sa gitna ng nangyaring sunog sa naturang ospital.

Samantala, inihayag ni Go na irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-gawad parangal sa mga medical frontliners ng PGH, bilang pagkilala sa kanilang tapang at kabayanihan sa gitna ng nagpapatuloy na health crisis.

Kaugnay nito, umaasa ang senador na ang kanilang katapangan ay magsisilbing halimbawa para sa lahat ng mga Pilipino na hinikayat niyang makiisa na harapin ng sama-sama ang krisis nang may pag-asa, awa, at pag-intindi para sa bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *