Highest vaccination: PH, nakapagtala ng 229k COVID-19 vax doses noong May 20

Nagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na daily vaccination rate noong May 20, halos tatlong buwan, matapos simulan ang kanilang COVID-19 immunization drive.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nakapagturok ang gobyerno ng 229,769 vaccine doses, dahilan para sumipa ang kabuoang bilang ng bakunang naibibigay sa bansa sa 3,718,308 as of May 20.

Sa ngayon, nakatutok ang gobyerno sa pagbibigay ng COVID-19 shots sa mga healthcare workers, senior citizens, at mga taong may comorbidities.

Dahil naman sa bagong development sa vaccine deliveries, positibo si Galvez na makakapagbakuna ang Pilipinas ng kalahating milyong doses o mahigit pa, araw-araw.

Samantala, sinabi ng opisyal na makakaasa ang mga Pilipino na sa pagsisimula ng third quarter, lalakas na ang vaccine shipments sa Pilipinas sa 15 hanggang 20 million doses buwan-buwan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *