Go, naghain ng reso na nagbibigay papuri sa PGH personnel para sa kanilang heroic acts, matapos ang fire incident

Pormal nang naghain si Senator Christopher “Bong” Go ng resolusyon na nagbibigay ng parangal sa mga medical staff ng Philippine General Hospital dahil sa kanilang kabayanihan at katapangan nang iligtas ang mga pasyente mula sa sunog sa kanilang pasilidad noong May 16.

Sa kanyang Senate Resolution No. 733, binigyang diin ni Go ang tapang at didikasyon ng mga staff at medical personnel ng PGH na responsable para sa ligtas at maayos na paglikas ng kanilang mga pasyente, kabilang na ang mga sanggol sa Neonatal Intensive Care Unit.

Ayon sa senador, dapat magsilbi ang mga medical personnel ng PGH bilang halimbawa para sa lahat ng mga Pilipino para harapin ang nagpapatuloy na health crisis nang nagkakaisa at may pag-asa, awa at pag-unawa para sa bawat isa.

Una nang pinuri ng chairman ng Senate Committe on Health ang 63 medical personnel na binubuo ng mga doktor, nurses, at utility workers mula sa pediatrics ward, kasama ang mga BFP personnel na nagresponde sa insidente.

Samantala, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, dinalaw ng mga personnel ni Go ang mga indigent patients na naka-admit sa PGH, at binigyan ng food packs, vitamins, masks at face shields.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *