Go on prexy bid: ‘Baka hindi ko pa po panahon’

Aminado si Sen. Bong Go na kailanman ay hindi niya pinangarap na maging pangulo.

“Iniiwasan ko ang posisyon na ito, but fate — as I said — has a way of turning things around. Nagdesisyon ang partido at si Pangulong Duterte and I accepted the challenge” saad ni Go.

Sa ngayon, patuloy niyang hinihiling ang gabay mula sa Panginoon, bilang naniniwala umano siyang ang presidency ay isang kapalaran.

“Naging kandidato na ako as Vice President for about 40 days hanggang sa nangyari po ang hindi natin inaasahan.  At dahil sa mahal ko at ayaw kong masaktan si Pangulong Duterte at ang kanyang pamilya ay kinailangan ko pong magpaubaya”, pagbabahagi ng senador.

Pero sa mga nakaraang mga araw, napagtanto niyang kontra umano sa kanyang sariling hakbang ang kanyang puso at isip.

“Tao lang po ako na nasasaktan at napapagod din. O baka dahil sadyang napakarumi at ganun kainit lang talaga ang pulitika. Talagang nagreresist po ang aking katawan, puso at isipan. Pati po ang aking pamilya ay nahihirapan” paliwanag ng mambabatas.

“Ako naman po ay isang probinsyano lamang na binigyan ng pagkakataon ng Panginoon at ng mamamayang Pilipino na makapagserbisyo po sa inyo. Hindi po ako isang pulitiko. Hindi ako nanggaling sa malaki o kilalang pamilya. I am only a simple public servant from the province na walang ibang hangad kundi ang magserbisyo po sa aking kapwa tao”.

Pero sa ngayon, baka hindi ko pa po panahon. Ako yung taong handang magsakripisyo para wala nang maipit, masaktan at mamroblema. Ayoko na pong mahirapan si Pangulo at yung mga supporters natin. Mahal ko po si Pangulong Duterte. Matanda na rin po siya at ayaw ko siyang bigyan pa ng dagdag na problema”, paghahayag ng presidential aspirant.

Sa gitna nito, ipinapaubaya ni Go ang kanyang kapalaran sa Panginoon at sa mamamayang Pilipino, kasabay ng pangakong gagawin niya ang kanyang best araw-araw para magsilbi ng buong puso at walang pagod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *