Graduating student, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa kanyang dormitoryo sa Dasmariñas, Cavite

Pagnanakaw ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpatay sa isang 22 anyos na graduating student na natagpuang tadtad ng saksak sa lob ng kanyang dormitory sa Brgy. Sta. Fe, Dasmarinas Cavite noong umaga ng Martes.

Kinilala ng Dasmarinas City Police Station ang biktima na si Queen Leanne Daguisin, isang Computer Science student ng Della Salle University-Dasmarinas.

Sinabi sa Brigada Batangas ni Lt. Col. Juan Oruga, hepe ng Dasmarinas CPS, nagtamo ng 14 na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Batay sa kuha ng CCTV sa tinutuluyan nitong dormitoryo, may nakitang lalaking lumabas mula sa kwarto ng biktima habang may sukbit sa kaliwang kamay at may nilalarong bagay naman sa kanang kamay.

Ayon kay Col. Oruga, walang indikasyon na ginahasa ang biktima batay sa otopsiya at pagnanakaw ang kanilang tinitingnang motibo.

Posible umanong nasa alas-2:00 ng madaling araw nangyari ang krimen at dumaan ang biktima sa pader ng dormitoryo.  

Nawawala ang cellphone ng biktima mula sa kanyang kwarto ng ito ay natagpuan ng caretaker ng dormitoryo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa naturang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *