Grupo ng mga Ina sa Russia naglunsad ng anti-war protest

Umapela ang grupo ng mga nanay na pinangunahan ng Russan Feminist Anti-War Resistance laban sa giyera na inilunsad ng Russia sa Ukraine.

Kasabay ng Mothers day sa Russia, umapela sila sa kanilang pamahalaan na pauwiin na ang kanilang mga anak, asawa at mga kapatid na ilang buwan nang nakikipaggiyera.

Ayon sa petisyon ng grupo, ang siyam na buwang giyera ay nagdulot na ng maraming destruction, pagluluksa, pagdanak ng dugo at luha.

Nakasaad pa sa petisyon na ang pamilya pa ng mga sundalong ipinapadala sa Ukraine ang bumibili ng kanilang bulletproof vest.

Binigyang diin pa ng grupo ng mga nanay na matagal na silang nananawagan sa pamamagitan ng mga picket, pagsulat ng apela, petisyon at iba pa pero tila hindi sila pinakikinggan sa kanilang apela na pauwiin nang buhay ang mga tropa na ipinadala sa giyera.

Dagdag pa ng grupo na tutol sila sa pagsali ng kanilang mga anak, kapatid o asawa sa giyera habang iginiit nila na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang karapatan sa kalayaan ng mg mga nanay at mga bata at hindi dapat na magbulag-bulagan sa sitwasyon. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *