Mga parcel na naglalaman ng mga hinihinalang illegal drugs itenurn-over ng BOC sa PDEA III

Itenurn-over ng Bureau of Customs Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 ang labindalawang parcel na naglalaman umano ng mga hinihinalang ipinagbabawal na droga.

Nitong nakalipas na Byernes ay itenurn-over ng BOC sa PDEA ang mga parcel na nasabat sa Clark International Airport Compound na aabot sa mahigit 12.5 million ang halaga.

Ang mga ito umano ay naglalaman ng mga hinihinalang ecstacy, Kush o high grade marijuana, ketamine at iba pa.

Samantala, pinangunahan ni Customs District Collector John Simon, PDEA Region III Director Byan Babang at Assistant Regional Director Martin Francia ang isinagawang turn over ceremony.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PDEA Region III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *