Gun ban, mahigpit na ipatutupad ng PNP simula ngayong araw

Nagpaalala ang Philippine National Police na mahigpit nilang ipatutupad ang gun ban sa buong Metro Manila simula ngayong araw.

Suspendido ang permit to carry firearms outside residence hanggang July 2 bilang bahagi ng seguridad ng Marcos inauguration.

Sa kasalukuyan, sinabi ni PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon na wala pa ring namo-monitor na banta ang PNP ngunit nanindigang hindi pa rin sila magpapakakampante.

Muli rin itong umapela na pormal nang ideklara ang holiday para mabawasan ang galaw ng mga tao sa lansangan.

Una nang nagdeklara ang City of Manila ng special non-working holiday sa June 30.

Samantala, sinabi pa ni de Leon na hanggat maaari ay gagawin nilang maiksi ang kaganapan.

Sa ngayon aniya, mayroon na lamang mga ‘finishing touches’ na inaayos ang mga security forces.

Kabilang na rito ang idaraos na civil military parade bilang pagbibigay pugay sa bagong commander-in-chief ng Republika.

Samantala, abangan naman ang nationwide coverage ng buong puwersa ng Brigada Philippines sa June 30. Maririnig sa lahat ng himpilan ng Brigada NewsFM Nationwide, at simulcast sa lahat ng ating live streaming platforms via Facebook, YouTube, and website – BrigadaNews.PH.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *