Halos 10,000 sako ng bigas, na-procure na ng NFA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng National Food Authority (NFA) Bicol na umabot na sa halos 10,000 sako ng bigas ang kana nang na-procure.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NFA Bicol Regional Spokesperson Jahara Pavilando, sinabi nyang maganda umanong balita ito sapagkat harvest season na.

Aniya, ngayon ay nagpapatuloy pa rin sa procurement ang kanilang tanggapan.

Sa datos nila, nasa mahigit 79,000 ang buffer stock ng mga bigas, habang nasa mahigit 44,000 ang sa palay.

Matatandaan, una nang sinabi ng NFA Bicol na hinding-hindi magkukulang ang suplay ng bigas ngayon dahil sa dami ng mga napo-procure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *